Wednesday, October 10, 2012

Mga Larawan ni Sharon Cuneta

Get Adobe Flash player
Photo Gallery by QuickGallery.com

Ang Talambuhay ni Sharon Cuneta

Ang Pamilya ni Sharon at ni Kiko Pangilinan
galing sa: Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan Photos. (2008). PhotosNakuha noong Oktubre  9, 2012, mula sa
                        http://photos.lucywho.com/sharon-cuneta-and-kiko-pangilinan-photos-t1754827.html


                Si Sharon Gamboa Cuneta Pangilinan o mas nakilala ng karamihan bilang Sharon Cuneta ay isang sikat na Pilipinang aktres na nakilala rin sa paghohost, pagkanta at pag-eendorso ng iba't ibang mga produkto. Siya ay mas kilala rin sa loob at labas ng bansa bilang Mega Star ng syobis dahil na rin sa dami ng mga napanalunang karangalan magmula pa noong siya'y bata at hanggang ngayong siya'y may sariling pamilya na.

  • Pinagmulan

  •               Ipinanganak noong 6 Enero 1966, siya ay anak nina Elaine Cuneta, na nagmula sa Sta. Ana, Pampanga, at Pablo Cuneta, na dating alkalde ng Lungsod Pasay sa loob ng ilang dekada.
  • Sa Syobis

  • Pagkanta

  •               Bata pa siya ay nais na niyang maging isang mang-aawit, at noong siya'y 12-taong gulang, natupad ang kanyang pangarap nang kantahin niya ang awiting "Mr. D.J.". Ito ay sumikat at bandang huli, binansagan siyang "D.J.'s Pet". Hindi nagtagal ay ginamit niya ang tawag na ito sa kanyang kauna-unahang album. Kasunod ng kantang iyon ay nagpasikat pa siya ng mga sumunod na awitin, at inalok rin siya na awitin ang iba pang mga kantang gagamitin sa iba't ibang mga pelikula. Siya na nga ang naging unang "movie soundtrack star" sa bansa.
                                                                                                                                                                                        S        Si Sharon ang kauna-unahang artistang Pilipino na naging matagumpay ang mga konsiyerto sa Los Angeles Shrine Auditorium una noong 1988 at naulit noong 11 Hunyo 2005 dahil sa dami ng mga nanood. Ang kanyang larawan ay nakahanay kina Michael Jackson, Barbra Streisand, at sa Ballet Folklorico de Mexico. Kahit ang dating alkalde ng San Francisco ay nagtaka dahil umabot sa puntong nagkaroon ng matinding trapiko naidulot niya. Dahil dito, pumunta rin ang alkalde sa kanyang konsiyerto at ginawaran siya ng "Honorary Key to the City of Los Angeles".
                                                                                                                                                                          N         Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapareha sa pagkanta ang sikat na bituin mula sa Hong Kong na si Andy Lau. Kinanta nila ang "In Your Eyes" na isinulat ni Jim Brickman.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                       N         Noong 6 Disyembre 2007, inilabas niya ang kanyang pinakabagong album na pinamagatang Isn't It Romantic? Volume 2. At noong Enero 2008 ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-30 taon bilang isang mang-aawit, at ika-27 taon naman bilang artista.
  • Pag-arte

  •           Matapos noon ay binigyan din siya ng mga pelikula ng Viva Films. Sa edad na 15-taong-gulang, pinagbidahan niya na ang sarili niyang pelikula at nakapareha ang pasikat pa ring si Gabby Concepcion na pinamagatang Dear Heart. Matapos nito ay lumabas pa siya sa higit 50 pelikula, at nakapagbigay sa kanya ng pagkilalang "Box Office Queen" ng bansa magmula taong 1985 hanggang 1993.
                                                                                                                                                                       S       Sa karamihan ng kanyang mga pelikula, lumalabas siya bilang isang kawawang mayamang anak. Kung hindi naman, ang kuwento ay umiikot naman sa nakasanayang kuwento na mula sa kahirapan ay yayaman. Kung kaya naman, bagama't nagmula sa isang mayamang pamilya, nagustuhan siya hindi lamang siya nagustuhan ng mga sosyal, kundi maging ng masa. Bukod pa rito ang mga katangian niyang pagiging matalino, mapagbiro, at hindi mayabang.
                                                                                                                                                                        T       Taong 1996 nang manalo siya bilang pinakamahusay na aktres sa iba't ibang mga gawaran para sa pelikulang Madrasta kung saan gumanap siya bilang isang mapagmahal na pangalawang asawa at pangalawang ina sa mga anak ng kanyang asawa. Nakahanay niya ang ilan pang mga mahuhusay na aktres katulad nina Vilma Santos at Nora Aunor na nagagawaran ng mga parangal na ibinibigay sa pelikulang Pilipino.
                                                                                                                                                                      T      Taong 2004 nang siya ay parangalan ng Brussels International Film Festival bilang Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang Crying Ladies kung saan ginampanan niya ang karakter ni Stella Mate, isang dating nakulong at hiwalay sa asawang ina sa nag-iisang anak. Sa Maynila ay kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan na tinanggap ang trabahong pag-iyak sa mga punerarya ng Intsik para lamang maipangbuhay sa kanyang anak.
                                                                                                                                                                      K       Kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang anibersaryo sa syobis at pelikula ay gumawa siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema na pinamagatang Caregiver. Ito ay isang kuwento tungkol sa isang Pilipinang caregiver na naiipit sa pagitang ng responsibilidad na alagaan ang kanyang sariling pamilya sa Pilipinas at ang ang kanyang pasyente na kanyang kasalukuyang inaalagaan sa ibang bansa. Bukod pa sa kanyang pagdiriwang sa syobis, ang pelikulang ito ay magsisilbi ring selebrasyon ng ika-15 taon ng Star Cinema at ang pagbabalik sa pelikula ni Sharon matapos ang apat na taon.
     
     
  • Pag-hohost

  • N        Nagkaroon din siya ng sarili niyang musical variety show na pinamagatang The Sharon Cuneta Show (T.S.C.S.). Ito ang isa sa mga pinakamatagal na umere sa kasaysayan ng syobis magmula 1986 hanggang 1997.
                                                                                                                                                                      N        Nagsimula naman ang kanyang abilidad sa paghohost kasama ang ilan pang mga nagsisikatan pa lamang na mga batang artista sa mga palabas katulad ng GMA Supershow, na tinawag ring Germspesyal, kasama si German Moreno, at ang Call Us Two for Entertainment kasama ang kanyang tiya at kapwa artistang si Helen Gamboa.
  • Personal na Buhay

  •         Ang kanyang pagkakapareha sa heartthrob ng Regal Films na si Gabby Concepcion ay naging matagumpay at pinakasikat na pagsasama sa pelikulang Pilipino noong dekada otyenta. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila noong siya'y 19 na taong gulang noong 23 Setyembre 1984, kung saan kinuha nila ang dating pangulong Ferdinand Marcos bilang ninong. Ngunit ang kanilang pag-aasawa ay natapos rin agad. At noong Abril 1985, isinilang niya ang kanilang anak, isang babaeng pinangalanang Maria Kristina Cassandra Concepcion o KC Concepcion.
                                                                                                                                                                     T         Taong 1996 nang makasal siya muli kay Senador Francis "Kiko" Pangilinan. Isinilang niya si Simone Francesca Emmanuelle o Frankie noong Disyembre 2000 at Maria Daniella Sophia o Miel noong Setyembre 2004. Ang kanyang panganay namang si KC ay legal nang naaring anak ni Senador Pangilinan.
     


    Mga impormasyon na ginamit ay galing sa:

    Sharon Cuneta (2009). Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php? 
    title=Sharon_Cuneta

Mga Kontribusyon ng Pinoy Pop Icon


Sharon Cuneta sa isang sikat na magazine
http://ph.omg.yahoo.com/blogs/author/glenda-villena/archive/16.html

                Ang kontribusyon ni Sharon Cuneta sa ating kultura ay ang pakikitungo niya sa mga tao. Iniidolo siya ng mga kabataan at kahit ang mga may edad na dahil sa kanyang personalidad. Siya ay mayaman pero kahit marami siyang nakukuha biyaya galing sa diyos. Dugong pinay pa rin ang kanyang mga ipinapakita na kilos sa atin. Siya ay isang mabuting Filipina. Hindi siya nananakit ng mga tao kahit ito’y isang Sharonian o hindi. Isa siyang matalino’t magalang na artista at ina. Kapag pumasok siya sa isang sitwasyon, hindi muna siya gagawa ng kababalaghan na kilos kundi pag-iisipan muna ang sitwasyon bago kumilos. Malaki ang respeto ng mga Filipino sa kanya hindi lang dahil sa mga naging kontribusyon niya sa media kundi dahil rin sa mga ipinapakita niya ang mga kalidad bilang isang pinay.

Mga impormasyong ginamit ay mula sa:

Miranada, A (2011). The video of Sharon Cuneta defends Sarah Geronimo on Rayver and Cristine issue. Examiner. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.examiner.com/article/the-video-of-sharon-cuneta-defends-sarah-geronimo-on-rayver-and-cristine-issue.

Mga Sinasabi ng Ibang Icon, Artista at Kritiko Tungkol Kay Sharon Cuneta

Si Sharon at Ai Ai sa kanilang movie noong 2009 na Best Friends Forever
                            Galing sa: BFF: Best Friends Forever (2009) - moveedo. (2009). moveedo - Social movie reviews.  
                         
Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa http://moveedo.com/movie/401


           Noong 2009, si Ai Ai Dela Alas at si Sharon Cuneta nagkaroon ng interview sa SNN para sa kanilang palabas na Best Friends Forever. Sila ay isa isang tinanong kung ano ang mensahe nila sa isa't at ang sinagot ni Ai Ai ay:

"I’m so honoured na kasama ko ang nag-iisang megastar sa pelikula. Kasi siyempre noong araw, noong 80s pinapanood ko na siya at isa siya sa actress na talagang nagagalingan ako. It's an honor, na nakilala ko siya. Nasabi ko, grabe iba ang megastar talaga. Yung ugali, yung pagkatao. Grabe ang bait." 

                                                                                                                          - Ai Ai Delas Alas

           Dahil sa palabas na Best Friends Forever nagkaroon sila panahon para makilala ang isa't isa ng mas mabuti at hanggang ngayon naging kasanayan na nila ang pagtawag ng "BFF" sa isa't isa.

Sharon Cuneta kasama ang dalawang tagapangasiwa ng TV5 sina EVP Roberto Barreiro and Viva Entertainment Big Boss Vic del Rosario noong contract signing niya
Galing sa: 
Sharon Cuneta Inks 1 Billion Deal with TV5 | Dear Bloggery. (2011, Nobyembre 22). Dear BloggeryNakuha noong Oktubr9, 2012,mula sa http://www.dearbloggery.com/2011/11/22/sharon-cuneta-inks-1-billion-deal-with-tv5/

Maja Salvador sa isang press conference
Galing sa: Quintos, N. (2010, Hulyo 9). Related Articles :: ABS-CBN.com. ABS-CBN.com :: Welcome Kapamilya!Nakuha noong Oktubr 9, 2012, mula sa http://www.abs-cbn.com/tabid/102/Default.aspx?tag=maja+salvador
             Noong nakaraang 2011, naisipan ng Megastar na si Sharon Cuneta na tuluyan ng lumipat sa istasyon na TV5, pinirmahan niya ang kontrata ng panlimang taon para maipangalandakan ang kanyang paglipat sa bagong istasyon. Sa bago niyang istasyon nagkaroon siya ng isang talk show at isang reality show. Wala ni isa sa mga nangangasiwa ang nagsabi kung magkano ang presyong inalok nila sa Megastar para siya ay pumayag. Ayon daw sa mga bali-balita, nakuha ng TV5 si Sharon Cuneta sa halagang isang bilyong piso nang tinanong si Vic del Rosario ng Viva  Entertainment ang sinagot niya ay: 


“[For her, this move] is not about money; it’s about being able to do the kind of shows that she wants.”

"Para kay Sharon, ang paglipat niya ng istasyon ay hindi tungkol sa pera; ito ay para magawa niya ang mga palabas na gusto niyang gawin."

                                                                                                                           - Vic Del Rosario

               Sabi ng mga nag-obserba ang isang bilyon raw ay ang kita ni Sharon para sa ibang mga proyekto niya sa darating pang mga taon. Nang nakapanayam ng TV5 ang Megastar sinabi niya na siya raw ay masaya pero medyo kinakabahan dahil ang mga makakasama niya ay mga bagong tao at bago ang istasyon pero kahit daw iyon ang nararamdaman niya dapat daw paminsan-minsan kailangan mo baguhin ang iyong buhay. 



        Sa contract signing ni Maja Salvador noong 2011, sinabi ni Maja na siya ay magkakaroon ng proyekto  kasama ang Megastar, Sharon Cuneta, ang pamagat ng palabas na ito ay Call Center Girl. Nang tinanong si Maja kung ano ang pakiramdam ng makatrabaho si Sharon ang sabi niya natutuwa raw siya dahil dati pa raw niya hinahangaan ang megastar dahil kaya niyang pagsabayin ang propesyonal niyang buhay sa personal na buhay niya.  

“Sobra kasi siya mag-inspire ng tao tapos napakagaling din nyang artista. Kung susundan mo yung takbo ng career niya, ang ganda. Hindi nagmadali, yung tama lang. Minahal siya ng tao, yung totoong siya”

- Maja Salvador

Katulad ng idolo ni Maja na si Sharon, napag-isipan din niyang sumabak sa pagkanta dahil sabi ni Maja sinunod niya raw ang payo ng tagapangasiwa ng Star Magic na si Johnny Manahan na dapat palagi kang may ginagawang bago para hindi magsawa ang mga tao sayo.

Ang baguhang artistang si Ritz Azul
Galing sa: everything online: September 2012. (2012, Setyembre 30). everything online. Mula sa http://everythingtodayokay.blogspot.com/2012_09_01_archive.html

Si Ritz Azul ay isang artista na napasali sa talent search ng TV5 na Star Search pagkatapos nito nagpatuloy-tuloy na ang karera niya. Para sa baguhang tulad niya, kamangha-mangha ang mga proyektong na ibinibigay ng TV5 kay Ritz. Naging bida na agad siya kasama si Arci Muñoz sa sa isang teleserye na Mga Nagbabagang Bulaklak, tapos ito ay sinundan ng isa pang teleserye sa TV5, ang Glamorosa. Tinanong sa kanya kung ano ang gagawin niya pagkatapos ng teleseryeng Glamorosa ang sabi niya magkakaroon daw siya ng proyekto kasama sina Sharon Cuneta at Nora Aunor at ang sabi niya ay: 

"Sobrang excited po akong makatrabaho ang Megastar at si Ms. Nora Aunor. Pangarap ko pong makatrabaho talaga sila, yung malalaking artista... and sana po ako makasama ko rin sila. Idol ko po si Sharon, gandang-ganda ako sa kanya at madalas ko siyang mapanood noon. Kaya pinapangarap ko pong makita sana siya sa personal. Sa ngayon po ay hindi ko pa rin nakikita nang personal si Ms. Sharon, e. So, kung makakatrabaho ko siya, siguradong mai-starstruck ako sa kanya, dream come true po iyon sa akin."

                                                                                                        - Ritz Azul


Sarah Geronimo at Sharon Cuneta sa Sarah G Live!
Galing sa: Miranda, A. (2012, Pebrero 11). Sarah Geronimo to follow the footsteps of the Mega Star
                    Sharon Cuneta - National Sarah Geronimo | Examiner.com. Welcome to Examiner.com |
       Examiner.com
Nakuha noong Oktubre 10, 2012, mula sa http://www.examiner.com/article/sarah-geronimo-to-follow-the-footsteps-of-the-mega-star-sharon-cuneta
          Si Sarah Geronimo ang pinakahuling bisita ng Megastar noong 2011 sa kanyang birthday concert at sila ay kumanta ng isang medley. Ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo ay nagpahayag kung gaano siya kasaya dahil nagkaroon siya ng kaibigan na sikat katulad ni Megastar Sharon Cuneta

 "Nasa kanya na lahat, loved by million fans, friends, at siyempre ako I'm very, very happy at nabigyan ako ng pagkakataon na mapalapit sa nag-iisang Sharon Cuneta, grabe yung pagmamahal niya bilang kaibigan. Grabe talaga sobrang napaka-generous."


                                                                                               - Sarah Geronimo

             Si Sarah Geronimo ay ay naging  malapit na kaibigan ng Megastar Sharon Cuneta dahil kay Judy Ann Santos at nagpapasalamat si Sarah dahil pinakilala siya nito sa Megastar. 

  

Sharon Cuneta at Dennis Trillo kasama ang iba pang mga sikat na artista sa Mano Po 6 (Heart Evangelista, Zsa Zsa Padilla at Ciara Sotto)
Galing sa: Pagsolingan, K. (2009, Nobyembre 21). Mano Po 6 in Beijing, China: Beijing Film Studio shoot | Gallery | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz.PEP.ph: The Number One Site for Philippine ShowbizNakuha noong Oktubr 9, 2012,mula sa http://www.pep.ph/photos/1505/%22Mano_Po_6%22_in_Beijing,_China%3A_Beijing_Film_Studio_shoot
                

             Noong 2009, si Dennis Trillo at si Sharon Cuneta ay nagkaroon ng palabas na Mano Po 6. Ayon kay Dennis, sa unang pagkakataon pa lamang daw niya talagang nakatrabaho ang Megastar.  Tinanong sa kanya kung anong nangyari sa unang araw ng shooting at ang sabi niya:


"Nakakapag-shooting na kami, at kahapon, kausap ko si Ms. Sharon Cuneta. Kinuhanan agad yung confrontation scene namin. At saka, sobrang starstruck talaga ako kapag nakikita ko siya. Kahit sino naman siguro," 


                                                                                                                           - Dennis Trillo


                    At nang tinanong siya sa unang pagkikita nila ng Megastar ang sabi niya masya raw siya at nagpakuha pa raw siya ng litrato. Sinabi niya na isang malaking biyaya raw makatrabaho si Sharon sa isang pelikula. 




Mga Impormasyon na ginamit ay galing sa:

Lee, R. C. (2009). Sharon Cuneta | Blog | "Best Friends Forever" Is Star Cinema's 16th                           
Anniversary Offering! Sharon Cuneta | Home. Nakuha noong Ocktubre  9, 2012, sa

Policarpio, A. (2011, Nobyembre 24). Sharon Cuneta on TV5: I’ll work my famous behind off |  Inquirer  Entertainment. Inquirer Entertainment | Philippine News for Filipinos. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa                                                                                           http://entertainment.inquirer.net/22057/sharon-cuneta-on-tv5-i’ll-work-my-famous-behind-off

Inside Pinoy Showbiz - Maja Salvador says working with Sharon Cuneta will be a dream come true. 
(2011, Nobyembre 4). InsidePinoyShowbiz.ph - The Official Entertainment Website of Mega 

Nicasio, N. (2011, Disyembre 12). Ritz Azul looks forward to working with Nora Aunor and Sharon 
Cuneta on TV5 | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz.PEP.ph: The Number 
One Site for Philippine Showbiz. Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa 
http://www.pep.ph/news/32243/ritz-azul-looks-forward-to-working-with-nora-aunor-and-sharon-cuneta-on-tv5

Franco, B. (2011, Enero 14). Sarah Geronimo is grateful to Sharon Cuneta for defending her on the   
Cristine Reyes and Rayver Cruz issue - Push.com.phPush.com.ph :: An ABS-CBN   
Entertainment News Site. Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa 

Garcia, R. (2009, Oktubre 20). Dennis Trillo gets to work with Sharon Cuneta and Heart Evangelista in Mano Po 6 | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz.PEP.ph: The Number One     
Site for Philippine Showbiz. Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa