Wednesday, October 10, 2012

Ang Talambuhay ni Sharon Cuneta

Ang Pamilya ni Sharon at ni Kiko Pangilinan
galing sa: Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan Photos. (2008). PhotosNakuha noong Oktubre  9, 2012, mula sa
                        http://photos.lucywho.com/sharon-cuneta-and-kiko-pangilinan-photos-t1754827.html


                Si Sharon Gamboa Cuneta Pangilinan o mas nakilala ng karamihan bilang Sharon Cuneta ay isang sikat na Pilipinang aktres na nakilala rin sa paghohost, pagkanta at pag-eendorso ng iba't ibang mga produkto. Siya ay mas kilala rin sa loob at labas ng bansa bilang Mega Star ng syobis dahil na rin sa dami ng mga napanalunang karangalan magmula pa noong siya'y bata at hanggang ngayong siya'y may sariling pamilya na.

  • Pinagmulan

  •               Ipinanganak noong 6 Enero 1966, siya ay anak nina Elaine Cuneta, na nagmula sa Sta. Ana, Pampanga, at Pablo Cuneta, na dating alkalde ng Lungsod Pasay sa loob ng ilang dekada.
  • Sa Syobis

  • Pagkanta

  •               Bata pa siya ay nais na niyang maging isang mang-aawit, at noong siya'y 12-taong gulang, natupad ang kanyang pangarap nang kantahin niya ang awiting "Mr. D.J.". Ito ay sumikat at bandang huli, binansagan siyang "D.J.'s Pet". Hindi nagtagal ay ginamit niya ang tawag na ito sa kanyang kauna-unahang album. Kasunod ng kantang iyon ay nagpasikat pa siya ng mga sumunod na awitin, at inalok rin siya na awitin ang iba pang mga kantang gagamitin sa iba't ibang mga pelikula. Siya na nga ang naging unang "movie soundtrack star" sa bansa.
                                                                                                                                                                                        S        Si Sharon ang kauna-unahang artistang Pilipino na naging matagumpay ang mga konsiyerto sa Los Angeles Shrine Auditorium una noong 1988 at naulit noong 11 Hunyo 2005 dahil sa dami ng mga nanood. Ang kanyang larawan ay nakahanay kina Michael Jackson, Barbra Streisand, at sa Ballet Folklorico de Mexico. Kahit ang dating alkalde ng San Francisco ay nagtaka dahil umabot sa puntong nagkaroon ng matinding trapiko naidulot niya. Dahil dito, pumunta rin ang alkalde sa kanyang konsiyerto at ginawaran siya ng "Honorary Key to the City of Los Angeles".
                                                                                                                                                                          N         Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapareha sa pagkanta ang sikat na bituin mula sa Hong Kong na si Andy Lau. Kinanta nila ang "In Your Eyes" na isinulat ni Jim Brickman.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                       N         Noong 6 Disyembre 2007, inilabas niya ang kanyang pinakabagong album na pinamagatang Isn't It Romantic? Volume 2. At noong Enero 2008 ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-30 taon bilang isang mang-aawit, at ika-27 taon naman bilang artista.
  • Pag-arte

  •           Matapos noon ay binigyan din siya ng mga pelikula ng Viva Films. Sa edad na 15-taong-gulang, pinagbidahan niya na ang sarili niyang pelikula at nakapareha ang pasikat pa ring si Gabby Concepcion na pinamagatang Dear Heart. Matapos nito ay lumabas pa siya sa higit 50 pelikula, at nakapagbigay sa kanya ng pagkilalang "Box Office Queen" ng bansa magmula taong 1985 hanggang 1993.
                                                                                                                                                                       S       Sa karamihan ng kanyang mga pelikula, lumalabas siya bilang isang kawawang mayamang anak. Kung hindi naman, ang kuwento ay umiikot naman sa nakasanayang kuwento na mula sa kahirapan ay yayaman. Kung kaya naman, bagama't nagmula sa isang mayamang pamilya, nagustuhan siya hindi lamang siya nagustuhan ng mga sosyal, kundi maging ng masa. Bukod pa rito ang mga katangian niyang pagiging matalino, mapagbiro, at hindi mayabang.
                                                                                                                                                                        T       Taong 1996 nang manalo siya bilang pinakamahusay na aktres sa iba't ibang mga gawaran para sa pelikulang Madrasta kung saan gumanap siya bilang isang mapagmahal na pangalawang asawa at pangalawang ina sa mga anak ng kanyang asawa. Nakahanay niya ang ilan pang mga mahuhusay na aktres katulad nina Vilma Santos at Nora Aunor na nagagawaran ng mga parangal na ibinibigay sa pelikulang Pilipino.
                                                                                                                                                                      T      Taong 2004 nang siya ay parangalan ng Brussels International Film Festival bilang Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang Crying Ladies kung saan ginampanan niya ang karakter ni Stella Mate, isang dating nakulong at hiwalay sa asawang ina sa nag-iisang anak. Sa Maynila ay kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan na tinanggap ang trabahong pag-iyak sa mga punerarya ng Intsik para lamang maipangbuhay sa kanyang anak.
                                                                                                                                                                      K       Kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang anibersaryo sa syobis at pelikula ay gumawa siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema na pinamagatang Caregiver. Ito ay isang kuwento tungkol sa isang Pilipinang caregiver na naiipit sa pagitang ng responsibilidad na alagaan ang kanyang sariling pamilya sa Pilipinas at ang ang kanyang pasyente na kanyang kasalukuyang inaalagaan sa ibang bansa. Bukod pa sa kanyang pagdiriwang sa syobis, ang pelikulang ito ay magsisilbi ring selebrasyon ng ika-15 taon ng Star Cinema at ang pagbabalik sa pelikula ni Sharon matapos ang apat na taon.
     
     
  • Pag-hohost

  • N        Nagkaroon din siya ng sarili niyang musical variety show na pinamagatang The Sharon Cuneta Show (T.S.C.S.). Ito ang isa sa mga pinakamatagal na umere sa kasaysayan ng syobis magmula 1986 hanggang 1997.
                                                                                                                                                                      N        Nagsimula naman ang kanyang abilidad sa paghohost kasama ang ilan pang mga nagsisikatan pa lamang na mga batang artista sa mga palabas katulad ng GMA Supershow, na tinawag ring Germspesyal, kasama si German Moreno, at ang Call Us Two for Entertainment kasama ang kanyang tiya at kapwa artistang si Helen Gamboa.
  • Personal na Buhay

  •         Ang kanyang pagkakapareha sa heartthrob ng Regal Films na si Gabby Concepcion ay naging matagumpay at pinakasikat na pagsasama sa pelikulang Pilipino noong dekada otyenta. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila noong siya'y 19 na taong gulang noong 23 Setyembre 1984, kung saan kinuha nila ang dating pangulong Ferdinand Marcos bilang ninong. Ngunit ang kanilang pag-aasawa ay natapos rin agad. At noong Abril 1985, isinilang niya ang kanilang anak, isang babaeng pinangalanang Maria Kristina Cassandra Concepcion o KC Concepcion.
                                                                                                                                                                     T         Taong 1996 nang makasal siya muli kay Senador Francis "Kiko" Pangilinan. Isinilang niya si Simone Francesca Emmanuelle o Frankie noong Disyembre 2000 at Maria Daniella Sophia o Miel noong Setyembre 2004. Ang kanyang panganay namang si KC ay legal nang naaring anak ni Senador Pangilinan.
     


    Mga impormasyon na ginamit ay galing sa:

    Sharon Cuneta (2009). Nakuha noong Oktubre 9, 2012, mula sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php? 
    title=Sharon_Cuneta

No comments:

Post a Comment